Plunder case nina Bolante, Lorenzo nai-raffle na ng Sandigan

NAI-RAFFLE na ang kasong plunder laban kina dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante at dating Secretary Cito Lorenzo.

Napunta ang kaso sa sala ni Justice Teresita Baldos ng Second Division ng Sandiganbayan na siya ring humawak sa kontrobersyal na kaso ng plunder ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Comptroller Carlos Garcia.

Sinabi ni Baldos na sanay na siya sa mga kontrobersyal at high profile cases at nagsabing pananatilihin niya ang integridad at kredibilidad ng korte sa pagdinig sa mga sensitibong kaso gaya ng tinaguriang P728 milyong Fertilizer Fund Scam.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply