PNoy: ASG na namugot ng sundalo mananagot

KINONDENA ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang ginawang paglapastangan ng grupo ng Abu Sayyaf sa bangkay ng pitong sundalong nasawi sa engkwentro sa Patikul, Sulu noong Huwebes ng madaling-araw.

Lumabas ang balita na umano’y pinagtataga ang katawan at pinugutan pa ng ulo ang apat sa pitong Marines na napatay sa nasabing engkwentro.

Dahil dito, tiniyak ni Pangulong Aquino na pagbabayarin ng gobyerno ang mga bandidong nasa likod ng pambababoy sa mga sundalo at di titigilang tugisin ang mga ito.

Sinabi rin ng Pangulo na ang pagtugis sa ASG ang isa sa pangunahing pagtutuunan ng pansin ng kanyang adminstrasyon.

Matatagalan man aniya, ngunit siniguro niyang mananagot ang mga ito.

Kaugnay nito, maliban sa mga namatay, nasugatan ang 26 pang Marines sa naturang bakbakan laban sa mga tauhan ng dalawang pinuno ng ASG na sina Radulan Sahiron at Isnilon Hapilon.

Samantala, personal na ipinarating ni Pangulong Aquino ang kanyang pakikiramay sa mga naulilang mahal sa buhay ng mga napatay na sundalo na hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay ay inialay para sa bayan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply