PNoy ayaw makisawsaw sa isyu ng Luisita

WALANG dahilan para makisawsaw pa ang Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa usapin ng Hacienda Luisita lalo pa’t nagpalabas na ng joint statement ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay sa naunang desisyon ng Korte Suprema.

“DAR and OSG have already come up with a joint statement as to  what their move will be. And they have said that they will file a motion for reconsideration of the SC decision, the decision that revoked the stock distribution plan of Hacienda Luisita, and yet allowed a new round of referendum,” ayon kay deputy spokesperson Abigail Valte.

Nilinaw ni Valte na ang posisyon ng Pangulong Aquino ay palaging para sa kapakanan ng nakararaming magsasaka na magbebenepisyo sa Hacienda Luisita.

“Ang posisyon kasi ni Pangulo rito is that he is after the good of the greater number of the farmer beneficiaries…. And this is precisely the position that has been taken by the OSG and the DAR,” dagdag ng opisyal ng Malakanyang.

Tiniyak ni Valte na bagama’t hindi na kailangan ng pagsang-ayon ng Punong Ehekutibo sa naging hakbang ng DAR at OSG ay napag-usapan naman nila ang bagay na ito.

Aniya pa, ang pagdistansya ng Pangulo sa usapin ay alam at sinang-ayunan ng kanyang pamilya.

Bago ito ay naiulat na maghahain na rin ng apela ang DAR kaugnay sa naturang ruling ng Korte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply