PNoy may pagpapahalaga para mapabuti ang Filipino

KAPURI-PURI si Pangulong Noynoy Aquino sa pagpapahalaga niya para mapabuti ang kalagayan sa buhay ng mga Filipino. Kahalintulad ng serbisyong ginagawa niya ang sa mga doktor na nanggagamot  para bumuti ang kalagayan ng mga tao para ipakita ang pagpapahalaga sa mga Filipino. Tama lang ang sabi ni PNoy na trabaho niyang ipatupad  ang mga pagbabago sa tama at tuwid na landas para umigi ang kabuhayan ng mga Filipino.

Reporma – Nakatutuwang marinig ang paninindigan ng Malakanyang na repormahin ang Autonomous Region in Muslim Mindanao para maisabay ang halalan sa 2013. Bilang isang kongkretong hakbang ng reporma roon, sisimulan na ng gobyerno ang
deliberasyon sa draft ng Admin Order (AO).

Pandaraya – Tama ang posisyon ng Malakanyang na magkaroon ng katapusan ang mga alegasyon ng dayaan noong 2004 at 2007 para hindi na maulit ang ganitong kahindik-hindik na mga pangyayari. Hindi natin dapat kalimutan ang sinasabing 2004 at 2007 na dayaan sa halalan na naglagay kay dating Pangulong GMA at mga kaalyado nito sa kapangyarihan. Walang basehan ang pahayag ng kampo ni Arroyo na panlilito ang pakay ng pagkabuhay ng isyu matapos maglabasan ang mga taong sinasabing mayroong nalalaman sa umano’y dayaan.

Ombudsman-Kumbinsido ako sa integridad at kredibilidad ni newly-appointed Ombudsman Conchita Carpio-Morales  na maipatupad nito ang kailangang mga reporma sa anti-graft body matapos masira sa publiko ang imahe ng ahensiya sa ilalim ng dating mga pinuno.

Tiwala-Tumpak na tumpak ang obserbasyon ng lider-negosyante at kilalang corporate lawyer practitioner na si Miguel Varela na tatabo ng husto ang gobyernong Aquino sa usaping ekonomiya dahil sa inilatag na mga reporma at pagkakabalik ng tiwala ng publiko sa pamahalaan.Walang progreso na mangyayari kung hindi nagtitiwala ang mga tao sa mga lider at mapalad  tayo sa pagbabago ng lahat dito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply