PNoy nakahinga nang makapanumpa si Mar

NAKAHINGA na ng maluwag si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ngayong nakapanumpa na bilang kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC) si dating senador Mar Roxas.

Ani Noy, malaki ang maitutulong ni Roxas sa paglutas sa dumaraming problema ng bansa.

Ayon naman kay Roxas, umaasa siyang sa halip na makabigat ay makatutulong siya kay Pangulong Aquino.

Gagawin umano niya ang lahat upang magsilbi siyang “pain reliever” ng Aquino administration.

Matatandaang ilang beses nang sinabi ng Pangulo na may ilang miyembro ang kanyang Gabinete na sa halip makatulong ay nagpapasakit pa sa kanyang ulo.

Kasamang nanumpa ni Roxas ang kanyang asawang si Korina Sanchez, anak na si Paulo at ang kanyang ina.

Ipinauubaya pa rin umano ni Roxas sa Office of the President ang kaso ni Land Transportation Office Chief Virginia Torres na unang inirekomenda ng Department of  Justice na samapahan ng kasong administratibo dahil sa Stradcom issue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply