PNoy nakatutok sa kidnapping case sa Zamboanga

NAKATUTOK ang Malakanyang sa pagdukot sa mag-inang American national at isang Pinoy sa Zamboanga City.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na nangunguna sa sitwasyon ang local crisis committee sa utos na rin ni Pangulong Noynoy Aquino upang mailigtas ang mga bihag.

Umaasa ang pamahalaan na magkakaroon ng resolusyon ang krisis at maililigtas ang mga biktima na sinasabing dinukot ng 14 na armadong lalaki.

Nakikipag-ugnayan na rin ang awtoridad sa US Embassy hinggil sa nasabing insidente.

Dinukot kaninang madaling-araw ng mga hinihinalang bandidong Abu Sayyaf ang mga biktimang sina Gerspa Lunsmann, anak nitong si Eric at pamangkin na si Romnick Jakatia.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply