PNoy napikon sa ‘malinis na mesa at ashtray’

HINDI nagustuhan ng Malakanyang ang patuloy na pagtutok ng publiko sa larawan ni Pangulong Benigno Aquino III na may malinis na mesa at malaking crystal ashtray na may kahon ng sigarilyo.

“Snapshot of how long the President has been in office,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte.

Sinabi pa rin niya na kung makikita sa larawan na malinis ang mesa ng Pangulong Aquino at may ashtray ay hindi naman lingid sa lahat na talagang naninigarilyo ang Chief Executive.

Kaya nga ang kanyang apela sa taumbayan ay “Shouldn’t be reading too much into the photo. Person who took that photo submitted a number of photos as an essay for what he had done, only photo that drew attention,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, binigyan naman ng hustisya ni Usec. Valte ang malinis na mesa ng Pangulong Aquino sa pagsasabing talagang malinis ito dahil nais ng Punong Ehekutibo na bago siya umuwi ay malinis ang kanyang mesa at ang mga hindi natapos na trabaho ay inuuwi sa Bahay-Pangarap.

“He makes a point to bus out everything,” aniya pa rin.

Sa ulat, umani ng mahigit sa  200 negatibong komento sa social networking site na Facebook ang kuhang larawan ni PNoy.

Binatikos dito ang hindi kaaya-ayang anggulo ng ulo ni Pangulong Aquino at ang napakalaking crystal ashtray at kahon ng sigarilyo sa malinis na lamesa nito maging ang sinasabing “shabby chic wallpaper” kung saan naka-display ang presidential seal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply