PNoy: Obrero, hustisya, kapayapaan at subsidyo

PURSIGIDO si Pang. Noynoy Aquino na isama ang reporma sa mga batas  sa paggawa para matiyak na mapangangalagaan ang karapatan ng Filipino. Di ba napakaganda sa isang lider gaya ni PNoy ang pagkakaroon ng malasakit sa mga manggagawa?

Tinitiyak ni PNoy ang pagtataguyod sa karapatan ng mga manggagawa. Sa katunayan isusulong ng Pangulo na maging isang kagustuhan na lang ang  paghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Mapapansin natin na bumaba mula 8% ang kawalan ng trabaho ngayong 2011 kumpara sa Abril 2010.

KASO – Tinupad ni PNoy ang pangako noong kampanya niya na pananagutin ang dating mga opisyal ng gobyernong  Arroyo sa kanilang umano’y mga tiwaling gawa katulad ng sa P728 milyong Fertilizer Fund Scam.

Walang patumanggang babaguhin ni PNoy ang sistema ng hustisya sa bansa na minsan ay naging bulag sa maling gawain ng mga taong malalakas at maiimpluwensya gobyerno.

Sa katunayan mahigpit na binabantayan ng gobyerno ang pagbuo ng mga kaso ng kinauukulang mga ahensiya ng gobyerno, lalo na ang Ombudsman laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo at kasapakat nito.

Kapayapaan – Marami ang natuwa sa pagkakabuo ng usapang pangkapayapaan ni Pang. Noy sa Cordillera Bodong Administration-Cordillera Peoples Liberation Army (CBA-CPLA) na senyales ng pagtatapos ng may 2 dekada na ng armadong pakikibaka sa Cordilleras.

Subsidyo – Hindi kailangang mag-alala ang mahihirap na mga Filipino dahil tuloy ang pagkakaloob ni PNoy ng ayuda o subsidyo sa kanila sa pamamagitan ng ‘Pantawid Pamilyang Pilipino Program’ (4Ps). Kapuri-puri ang pahayag ng Pangulo na ipagpapatuloy ang pagkakaloob ng Conditional Cash Transfer (CCT) sa ilalim ng 4Ps para matulungan ang mga mahihirap na pamilya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply