PNP, AFP nagsaksakan dahil sa text message

ISANG sundalo ang sinugod ng saksak ng isang kagawad ng pulisya nang mairita dahil sa pagbabanta ng biktima sa pamamagitan ng text messages sa Quezon City, kahapon.

Hindi na rin isinugod sa pagamutan ang biktima na si Benzar Subanan Atari, 26, ng Block 26, Lot 26 Dollar St. cor. Poso St., Phase 8 Brgy. North Fairview, Quezon City na nagtamo lamang ng sugat sa kaliwang braso.

Habang pansamantalang pinigil sa Batasan Police Station 6 ang itinuturong nanakasak na si SPO2 Alvin Mahimud, nakatalaga sa PNP-SAF at residente ng Bicol St., Brgy. Payatas, Quezon City.

Batay sa isinumiteng ulat ni P03 E. Laborde, naganap ang insidente bandang 6:00 ng gabi noong July 9, 2011 sa bahay ng biktima sa nasabing lugar .

Nauna rito, nakatanggap umano  ng text messages ang suspek na nagkataong lasing ng mga sandaling iyon  mula sa nagbabantang biktima.

Dahil dito, sinugod ng galit na suspek na armado ng patalim ang biktima bago inundayan ng saksak pero nailagan ng biktima nang maitulak ng kanyang kasambahay ang salarin.

Makalipas ang ilang minuto ay muling bumalik ang suspek sa bahay ng biktima at muling kinompronta ang huli saka muling sinaksak na nailagan ng biktima kaya sa kaliwang kamay lamang nasugatan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply