PNP, grupo ng mga raliyista nagkaayos para sa SONA

NAGKAROON ng dayalogo sa pagitan ng mga magkikilos-protesta at Philippine National Police (PNP) upang tiyaking walang mangyayaring kaguluhan sa araw ng state of the nation address (SONA) ni Pangulong  Benigno Aquino III sa Lunes.

Kinumpirma ni Renato Reyes, secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), na may naganap ngang pagpupulong Huwebes ng hapon sa Sulo Hotel sa Quezon City.

Ayon kay Reyes, tuloy ang kanilang gagawing pagkilos kahit hindi inaprubahan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang kanilang inihaing permit.

Aniya, mayroong ligal na basehan na ituloy ang welga dahil nabigo ang lokal na pamahalaan na sundin ang tinatakda ng Batas Pambansa 880.

Dahil dito, sinabi ng National Union of People’s Lawyers na gagawa sila ng ligal na hakbang laban sa mga nagnanais tutulan ang kanilang karapatan sa “peaceable assembly.”

Sa ilalim ng batas, itinakda dito na dalawang araw lamang ang kinakailangan para aksiyunan ng awtoridad ang hiling para sa permit.

Gayunman ay wala pa ring permit ang nai-isyu ng Quezon City Department of Public Order and Safety.

“A Supreme Court resolution also said that the approving authority cannot arbitrarily change the venue of the rally without informing the applicant and presenting evidence that the rally constitutes clear and present danger against the public,” ayon pa sa Bayan .

Ayon sa Bayan, noon pang Hulyo 15 pa sila humihingi ng permiso sa pamahalaan ng Quezon City.

Ayon sa grupo magiging tampok sa kanilang magiging reklamo sa araw ng SONA ang pagtaas ng bilang ng walang trabaho, pagtaas ng presyo ng bilihin, kahirapan, paglabag sa karapatang pantao at ang pakikialam ng mga dayuhan sa bansa.

Mananawagan din ang grupo sa gobyerno para makulong si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong  plunder, election fraud at paglabag sa  human rights.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply