PNP on full alert sa SONA

NAGDEKLARA Sabado ng umaga, Hulyo 23, ang Philippine National Police ng pagtataas ng antas ng kanilang alerto sa buong bansa partikular sa Metro Manila kaugnay sa nakatakdang pagbubukas muli ng dalawang Kapulungan na tatampukan ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ganap na alas-8:00 ng umaga ay inilagay ni PNP chief, Director General Raul Bacalzo, sa full alert status ang lahat ng Regional Police Office.

Ang National Headquarters sa Camp Crame Quezon City at lahat ng National Supports Units ay inilagay naman sa heightened alert status.

Nasa full alert status din ang lahat ng tanggapan at mga kagawad ng PNP Special Action Force, Intelligence Group, Criminal Investigation and Detection Group, PNP Maritime Group, PNP Logistic Supports, PNP Aviation Security Group, PNP-Mobile Group,  Headquarters Support and Services, PNP-Highway Patrol Support, PNP CLG at  PNP-NOC.

Nangangahulugan ito na alertado ang lahat ng personnel at kanselado ang lahat ng kanilang mga leaves.

“All unit commanders are reminded to secure all PNP camps and offices, vital instillations, economic key points and places of convergence,” ayon pa sa direktiba ni Bacalzo.

Samanatala inihayag naman ni Armed Forces of the Philippines-National Capital Regional Command chief M/Gen. Kristan “Titan” Kison na may sapat siyang puwersa na on standby at anumang oras na kailanganin ng PNP ang kanilang ayuda ay medaling maide-deploy.

May nakakakasa ring dalawang Civil Disturbance Management Unit sakaling kakailangin.

Nabatid na sa Metro manila ay may nahanda ring 5,000 pulis na itinalaga sa iba’t-ibang strategic point partikular na sa malapit sa Batasan Complex. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply