PNP provincial headquarters 5 ulit pinasabugan

NILIGALIG ng hindi pa nakikilalang grupo ang isang punong himpilan ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Maguindnao Miyerkules ng hatinggabi nang limang ulit itong pasabugan, ayon sa ulat ng kapulisan.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, naganap ang insidente bandang alas-dose ng hatinggabi sa Camp Datu Akilan Ampatuan, Shariff Aguak, Maguindanao.

Sa ulat na natanggap ni Cruz ay nabatid na sunod-sunod na pagpapasabog ang ginawa ng mga aramdong suspek sa nasabing PNP provincial headquarters gamit ang limang 40 MM high explosive double purpose (HEDFP) grenade luncher.

Dalawa sa pinawalang bala ng grenade luncher ay bumagsak sa parade ground, ang isa ay bumagsak dalawang metro lamang ang layo mula sa 1st Platoon PPSC Headquarters, isa ay bumagsak dalawang metro lamang sa bahay ni Ret SPO4 Romeo Gignadice habang ang isa pa ay bumagsak sa mismong basketball court subalit hindi sumambulat.

Wala namang naiulat na nasaktan habang patuloy na ginagalugad ngayon ng mga kagawad ng Shariff Aguak Municipal Police Station ang area upang matukoy ang responsable sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply