PNP suplay ng gasolina sa iba napupunta

PROBLEMA pa ring maituturing ang kakulangan ng suplay ng gasolina sa 12 police stations sa Quezon City Police District. Kulang na nga, marami pa rin sa station commanders, base sa text message na nakararating sa tanggapan ni QCPD director Chief Supt. George Regis, ang hindi ipinamamahagi ang alokasyon sa mga section o unit na nasasakupan nila.

Hindi kaya nahihiya ang mga opisyal na ito na sa halip na sa mga mobile patrol unit at iba pang sasakyan ng istasyon mapunta ang gasolina para naman makapagsilbi sa bayan sa layuning mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ay sa kanilang mga kaanak at kaibigan napupunta ang supply ng gasolina?

Isa sa mga inirereklamo ng kanyang mga tauhan dahil sa pagiging sugapa sa gasolina ay ang isang station commander na nagpa-convert ng ibang relihiyon para lang makakuha ng puwesto sa QCPD.

Si Col. Maniac, ayon sa source, ay hindi namamahagi ng gasolina sa kanyang mga tauhan at sa halip ay ibinibigay nito sa kanyang asawa at maging sa kapatid na namamasada ng van sa Bulacan.

Siyempre, daan-daang litro ng gasolina ang dapat sana ay napakinabangan ng bayan pero dahil may tiwaling tulad ni Col. Maniac ay sa bulsa ng pamilya kung hindi man sa kanya nauwi.

By the way, si Col. Maniac nga pala ay kilalang mahilig sa babae. Noong kasagsagan ng “bagyong Ondoy” ay hindi ito nakita sa kanyang area of responsibility kaya ipinatawag ito ng district director.

Hindi agad nakarating ang opisyal dahil umano sa pagkababad nito sa kandungan ng kanyang bebot na daisy (read as: disisyete).

Nayayamot na rin sa ugali nitong si station commander ang ilan sa kanyang mga kaklase dahil hindi lang gasolina ang gusto nitong ibulsa subalit maging ang girlfriend o nililigawan ng mga ito ay sinusulot. Sa madaling salita hayok sa laman talaga.

Hindi na dapat bigyan pa ng pagkakataon ang ganitong klaseng opisyal dahil batik ito sa akademyang kanyang pinagmulan.

Ipinagmamalaki pa naman ng akademya ang integridad pero sa katulad ni Col. Maniac nabura na ito kaya dapat na rin itong mabura sa QCPD.

Sa mga may hindi magandang karanasan sa pulis, opisyal ng pamahalaan o pribadong indibidwal, puwede po kayong mag-email sa santi_lean11@yahoo.com o magtext sa 09215175814.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply