PNP tumatanggap din ng pondo mula sa PCSO

AMINADO ang pamunuan ng Philippine National Police na tumatanggap din sila ng ayuda mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ay kasunod ng kontrobersyang nabulgar na may mga obispo ang pinagkalooban ng sasakyan ng PCSO at daan-daang milyon pondo ng charity institution ang inilaan sa intelligence fund sa panahon ni dating pangulong GMA.

Subalit nilinaw ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr na lahat ng  assistance na kanilang natatangap mula sa  Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay above-board at nakapaloob sa framework ng PCSO charter.

Napag-alaman na may anim na account na minamantina ang PNP para sa pondo na nagmumula sa PCSO bagamant apat umano sa mga ito ay pawang  dormant o hindi na aktibo ayon naman sa PNP Directorate for Comptrollership.

Sa paliwanag ng tagapagsalita na oras na matapos na ang proyekto na pinaglaanan ng ayuda ng PCSO ay ipatitigil na ang account at ang pondo ay kanilang ibinabalik.

Ayon sa PNP fiscal policy, ang mga pondo mula sa inactive accounts ay naibalik na sa  National Treasury.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply