Pokwang tinalbugan ni Melai!

WALA na talaga kaming masabi kay Melai Cantiveros dahil bidang-bida na siya sa kanyang launching movie na “The Adventures of Pureza, Queen of The Riles” under Star Cinema with real and reel loveteam Jason Francisco. Ilang beses na naming napanood ang teaser trailer nito sa TV at wala kaming tigil sa kakatawa.

Sa first movie niyang “I Do” nina Erich Gonzales at Enchong Dee ay naging scene stealer na siya kaya hindi na kami nagtaka na binigyan na kaagad siya ng solo movie ng Star Cinema. Aba natalbugan pa niya si Pokwang na wala pang launching movie hanggang ngayon. Ang alam namin ay may ginawang movie si Pokwang for TFC sa US pero may pagkadrama ito at unang ipapalabas sa States kaysa dito sa Pinas.

***

MALAKING pasabog this week ay ang pagbubuntis ni Andi Eigenmann na si Jacklyn Jose mismo ang nagkumpirma sa TV Patrol noong June 29. Eighteen (18) weeks na raw buntis si Andi so that means four and a half months nang preggy ang young actress at na-conceived ito ng mid-February or baka last Valentine’s Day!

Inanunsyo rin ni Jacklyn na nakapagdesisyun ang anak niya na ituloy ang pagbubuntis nito at suportado ito ng buong angkan ng Eigenmann. Ayaw nang banggitin pa ni Jacklyn kung sino ang ama ng bata dahil tinalikuran daw nito si Andi nang malaman na preggy ito. Basta ang tanging clue lang na naibigay ay ito raw ang first boyfriend ni Andi.

Ang dalawang kilalang naging boyfriend ni Andi na sina Jake Ejercito at Albie Casino, na pawang nagsasabing hindi raw sila ang first boyfriend ng dalaga so hindi pwedeng sila ang ama ng pinagbuuntis nito.

Matatandaang nag-break sina Andi at Albie last May at naging kontrobersyal ito dahil sa pinakawalan na maaanghang na salita ni Albie sa Formspring. Tinawag niyang “cheater” si Andi at inakusan pa ang ex-GF na malamang umabot pa sa sampu ang ibang lalaki nito.

We could only speculate kung last May ay alam na ni Albie na buntis si Andi. Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit tinawag niyang “cheater” si Andi?

At any rate, nagsalita na rin ang mommy ni Albie at nagsabing open daw sila sa isang DNA test. At kung sakaling si Albie nga ang ama ng bata ay wala silang tinatalikurang obligasyon.

Pero marami rin ang nag-iisip kung bakit nagpabuntis kaagad si Andi on such an early age (21)? Napaka-promising pa naman ng kanyang career at obvious na isa siya sa inaalagaan nang husto ng ABS-CBN. Sabi nga, nandiyan na ‘yan kaya walang ibang hakbang na gagawin ang Eigenmann clan kungdi ang suportahan ang pagbubuntis ni Andi.

But still dapat nag-ingat siya di ba? Kaya the more na mas may kabuluhan na maipasa na ang RH Bill para maiwasan na ang mga ganitong sad stories ng mga young unwed mothers to be.

Pagkatapos niyang makapanganak, alam namin na makababalik pa rin siya sa showbiz kasi may talent naman siya at sadyang mapagpatawad ang masang Pinoy. Sa ngayon ay patuloy pa ring nagte-taping si Andi sa teleseryeng “Minsan Lang Kita Iibigin” pero kapansin-pansin na puro close-up at back shots lang ang kinukunan kay Andi para hindi masilayan ang kanyang lumalaking tiyan.

***

KAHIT maraming ibang shows sina Michael V at Ogie Alcasid, nananatiling espesyal sa kanila ang “Bubble Gang” kasi ito ang kauna-unahang show nila pareho sa GMA. Kaya naman bigay todo sila lagi tulad this week sa Taob Lamesa Gags (Sugal) at McDonalds commercial spoof (Lolos). Sino ang Tata Twins at bakit LIB Hostage sila? Sigaw naman ng Wonderboys, Magsiluhod Tayo! Kasama pa rin ang fave segments niyo na Balitang News, Cheche, Bat Ganun at Moymoy (All I Have To Give).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply