Political prisoners mag-aayuno hanggang sa SONA

SINIMULAN noong Biyernes, Hulyo 22, ng mga political prisoners na nakapiit iba’t-ibang detention centers sa buong bansa ang pag-aayuno upang hilingin kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang agarang pagpapalaya sa kanila.

Ang apat na araw na pag-aayuno ay magtatapos sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Lunes.

Ayon sa pahayag ng Samahan ng Ex-detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda), tinatayang  230 political prisoners na nakapiit sa detention centers ng  National Capital Region (Camp Crame, Camp Bagong Diwa, New Bilibid Prisons, Manila City Jail, Quezon City Jail), Central Luzon, Batangas, Cagayan Valley, Central Visayas, Iloilo, Eastern Visayas, Southern Mindanao, Northern Mindanao at CARAGA ang
makiki-isa sa pag-aayuno..

Batay sa pahayag ng mga political prisoners na nakaditine sa Camp Crame na pinamumunuan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultants, ang pamahalaang Aquino ay kinakailangang sundin ang napagkasunduan sa pagitan ng NDFP at ng gobyerno ng Pilipinas nitong nakaraang  Pebrero na palalayain ang mga political prisoners na karamihan sa mga ito ay pawang mga biktima ng kawalan ng hustisya at iligal na ikinulong sa iba’t-ibang piitan.

“The Aquino government should also abide by its promise to release imprisoned Moro Islamic Liberation Front (MILF) forces, in order for the peace talks between the MILF and the GPH to proceed and progress
smoothly,” pahayag ng NDFP.

Batay sa talaang nakalap ng Selda, umaabot sa 354 political prisoners ang nakapiit sa iba’t-ibang bilangguan na karamihan umano ay naaresto at nakulong noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply