Political will ang sandata ng PNoy government

DAHIL sa political will ng administrasyon ni PNoy, natutugunan nito ang iniwang problema ng nakaraang administrasyon sa pamamagitan ng mga polisiya at programa na maghahatid ng kaunlaran sa hinaharap.

Sa pagpasok sa pangalawang taon, ganap na makararaan sa ‘tuwid na landas’ ang gobyernong Aquino.

Ang P12 bilyong natipid sa pondo sa Socio Economic Services, ayon sa DBM sa Zero-Based Budgeting approach ng gobyerno  ay nagawang matukoy at matigil ang mga programang hindi nagbibigay ng resulta at ang mga pondong natipid dito ay ililipat sa mga programang may positibong resulta at prayoridad ang mga programang para sa edukasyon at kalusugan.

Peace Process – Nagawa na ring resolbahin ang deka-dekadang armed conflict sa pagitan ng gobyerno at Cordillera People Liberation Army kung saan nilagdaan na ang closure pact matapos ang buwang ng pag-uusap.

ExtraJudicial Killings -Sinisikap din ng gobyerno na matupad ang pangakong tuluyan nang masugpo ang extrajudicial killings at mai-bigay na sa mga biktima ang hinihintay nilang hustisya sa pamamagitan ng itinatag na special Task Force na nag-rerebyu ng mga kaso at nagpapabilis sa mga imbestigasyon.

Electric Tricycle – Sa tulong naman ng partnership ng Aquino government at Asian Development Bank (ADB) nakapagtatag na ng national strategy para mabawa-san ang carbon footprint.

Rice Imports -Napababa ng 80%. Sa report ng Department of Agriculture (DA), ang agriculture sector ay tumaas ng 4.2% sa first quarter mula sa negative growth na 1. 08 % no-ong first quarter ng 2010.

Nakapagtala ng 4.4 million metric ton (MT) palay production mula sa January to March 2011 at mas mataas ng 15.6% sa 3.49 million MT na naitala ng nakaraang taon. Resulta ito ng pinalawak na palay area at idinagdag na irrigation water and sevices.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply