Porsche ni PNoy naibenta na ng P4.5M–Usec. Valte

INAMIN ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na naibenta na ang kontrobersiyal na Porsche ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa isang panayam sa radyo.

Sinabi ni Valte na naibenta ang sasakyan ni PNoy sa halagang P4.5 milyon sa katulad na halaga nang bilhin ng pangulo ang nasabing sasakyan.

Matatandaang noong nakaraang taon, naging mitsa ng mga batikos laban kay Pangulong Aquino ang kanyang pagbili ng sports car.

Martes ng hapon ay nauna nang itinanggi ni Valte na naibenta na ni PNoy ang nasabing sasakyan.

Hindi naman sinabi ni Valte kung sino ang nakabili sa saksakyan.

Kinumpirma naman ni Pangulong Noynoy Aquino ang pag-amin ni Valte.

Sinabi ng Pangulo na nakagarahe lang naman ang nasabing sasakyan kaya imbes na kalawangin ay minabuti niyang ibenta na lamang sa ibang car enthusiasts.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply