Postal Bank sa Maynila nagliyab

HALOS nasa kabuuan ng ika-apat na palapag ng gusali ng Postal Bank ang tinupok ng apoy na umabot sa ika-limang alarma sa Intramuros, Manila nitong gabi ng Huwebes, Hulyo 14.

Ayon kay Chief Insp. Bonifacio  Carta ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, dakong 9:45 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa ika-apat na palapag ng gusali sa tabi ng Post Office sa Liwasang Bonifacio sa gilid ng Jones Bridge sa Intramuros.

Kasalukuyan pang inaalam habang isinusulat ang balitang ito kung may katotohanan na may na-trap sa loob ng nasabing gusali.

Masusi ding inaalam kung faulty wiring ang pinagsimulan ng sunog na tumagal halos ng mahigit dalawang oras bago naideklarang fire under control.

Patuloy ang isinasagawang pag-iimbestiga ng Arson Division kung ano ang naging dahilan ng sunog habang inaalam pa kung magkano ang naging kapinsalaan nito. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply