Postponement ng ARMM polls unconstitutional daw

MAKARAANG pormal na lagdaan ng Pangulong Benigno Aquino III ang batas na nagkakansela ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) polls, umani ng batikos at naniniwala na unconstitutional ang pagpostpone ng eleksyon sa Mindanao.

Dahil dito nagsampa sa korte si Atty. Romulo Macalintal ng kanyang sariling petisyon bilang lawyer at tax payer dahil sa paniwala nito na iligal ang pagpapaliban ng eleksyon sa ARMM dahil sa salungat ito sa Saligang Batas.

Paglilinaw ni Macalintal, sinalungat nito ang Organic Act of ARMM. Bago umano inaprubahan ang nasabing batas ay dapat (1) dumaan ito sa mga electoral officials ng Mindanao; (2) dapat ay magkaroon ito ng 2/3 votes mula sa Senado at mababang kapulungan ng Kongreso; at (3) mag-appoint ng Officer in Charge (OIC) – dahil sa wala itong mandato ng taumbayan.

Ayon kay Macalintal, masyadong nakikialam ang national government sa ARMM at naniniwala siyang ito ang dahilan ng kaguluhan dito dahil sa ‘di naman maipakita ang autonomy ng nasabing rehiyon at mistulang “mockery of the law” lamang ang nangyayari.

Kahit napakaganda ng intensyon ng national government upang makatipid ng pondo, alam naman aniya ng pamahalaan na mali ang ginagawa nito. Sinabi din nito sa Commissions on Elections na ituloy lamang ang kanilang preparasyon upang sakaling matuloy ang eleksyon ay hindi na naman nito idadahilan na walang sapat na oras.

Ayon pa rito, maari namang magrelease ang Korte Suprema ng finalities ngayon kung gugustuhin nito, kaya lamang napakatagal ng desisyon nito.

Mas maganda aniya na magrelease ng direktiba ang SC sa Comelec na maghanda, upang magkaroon ng sapat na panahon, kung naniniwala itong may basehan ang pagiging unconstitutional ng nasabing batas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply