Oil dereg rerebyuhin ng Senado

SINISIKAP ngayon ng isang komite ng Senado na marendahan ang walang patumangga at patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente sa pamamagitan ng muling pagsusuri ng Oil Deregulation Law.

Ayon kay Sen. Manny Villar, inatasan nito ang Senate committee on trade and commerce na rebyuhin ang karapatan ng power company na magpataw ng sobrang singil sa halaga ng kuryento upang matiyak na hindi pinagsasamantalahan ang mga konsyumer.

Kahit dumadaan sa Energy Regulatory Commissin (ERC) ang lahat ng aplikasyon para sa rate increase, sinabi ni Villar na mukhang napapalusutan ito.

Aniya, ang Pilipinas ang pinakamahal ang kuryente sa buong Asya.

Idinagdag pa ni Villar na hindi lang ang power company ang pinababantayan ngayon, kundi pati na rin ang mga water utility at transporation firm.

“Mukhang napapasarap itong ating mga businessman sa pagtataas ng presyo. Walang pumipigil kaya nire-review natin yung kanilang mga karapatan na gawin yung ganyan kalaking increases sa kuryente, tubig at pamasahe,” diin ni Villar.

Itinutulak ni Villar ang pagpapatibay ng panukalang “anti-trust” upang sa gayon ay malusaw din ang panunumbalik ng monopoly at oligopoly sa bansa.

Napapansin ng senador na ang simula nang itulak ng gobyerno ang trade liberalization, maraming kumpanya ang nagsara.

“Bumabalik yata tayo sa era ng monopoly na naman at oligopoly. Ang bangko natin ngayon halos anim na lang na malalaking pamilya ang nasa bangko. Sa telecom, dalawa na lang at yung isa ay sisenta porsyento pa,” paliwanag ng senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply