Power shortage nakaamba

NAKA-AMBA na naman ang power shortage dahil sa kakulangan ng power supply sa Luzon.

Dahil dito, binalaan ng Department of Energy (DoE) ang publiko kaugnay sa posibleng paputul-putol na suplay ng kuryente na mararanasan sa mga susunod na araw.

Ayon kay Energy Secretary Jose Rene Almendras, ang nasabing shortage ay bunga pa rin ng mataas na demand sa kuryente kaya naman pinayuhan nito ang publiko na mas makabubuti kung paiiralin ang pagtitipid lalo na sa mga heavy industrial at retail power consumer.

Binigyang diin pa nito na ang 10% kabawasan sa paggamit ng kuryente ay makakatulong upang makatipid ng P59 bilyon.

Nagbabala ang Meralco na maaaring tumagal ang putul-putol na serbisyo ng kuryente sa mga residente ng Metro Manila dahil na rin sa kakulangan ng supply ng kuryente na natatanggap nila.

Ayon sa pamunuan ng Meralco, hindi gaanong sapat ang nakukuha nilang kuryente mula sa National Power Corporation (Napocor) kung kaya napilitan silang bawasan ang serbisyo ng ilaw sa ilang lugar sa Kamaynilaan at karatig na lalawigan.

Apektado sa nasabing pagbabawas ng ilaw ang ilang bahagi ng Malabon, Novaliches, Sta. Cruz, Sta. Ana, at Sta, Mesa sa Metro Manila. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply