Prescription period inaabuso ng mga akusado

INAABUSO ng mga akusado ang mga prescription period na ibinibigay ng mga korte sa pamamagitan ng mga extension na inihahain at inaaprubahan na lalong nagpapatagal sa pagresolba ng mga kaso.

Ito ang pahayag na binitiwan ni Atty. Simplicio Domingo ng legal services ng Bureau of Customs

Sa dami umano ng mga kasong isinampa ng Customs sa Department of Justice ay iilan pa lamang ang naresolba dahil na rin sa proseso mismo ang nagiging sanhi ng mabagal na pag-ikot ng gulong ng hustisya.

Ayon kay Domingo, ‘di biro ang pagsasampa ng kaso na nagsisimula sa case building, profiling, establishing case at ang pinakahuli ay ang pagsasampa ng kaso na dumaan sa ibat-ibang lebel at kapag nasa korte na ay parang pinaglalaruan na lamang ng mga mapera at maimpluwensya.

Kailangan na umanong amyendahan ng lehislatura ang “rules of court” na ginaya sa mga korte sa Amerika subalit nagkaiba sa jury sa US at hukom ang sa Pilipinas na siyang nagdedesisyon kung nagkasala ang isang tao.

Gayundin ang mga prescription period sa US ay mahigpit na pinatutupad at walang pag-abuso sa mga extension kung kayat agad na nasesentensyahan ang mga maysala o napapawalang-sala sa napakaikling panahon.

Ayon kay Domingo, dito sa Pilipinas ay nagpapa-extend ang mga kampo ng respondent at prosecution sa iba’t-ibang dahilan  gaya ng pagkamatay ng isang kamag-anak, ama, kapatid, maging alagang aso o pusa ay inaaprubahan ng korte lalo na kung tama ang presyo sa pagpapaliban ng mga pagdinig o pagsusumite ng mga clarificatory statements. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply