Preso na may cancer pinalaya ni PNoy

KAAGAD binigyan ni Pangulong Benigno Aquino III ng maagang pamasko ang isang preso na may cancer na may hatol na habambuhay na pagkabilanggo.

Sa isang panayam, sinabi ng Chief Executive na noong nakaraang linggo ay mayroon na siyang pinirmahan na dokumento na magpapalaya sa naturang prteso subalit nakalimutan naman niya ang pangalan ng nasabing preso.

“May terminally ill convicted reclusion perpetua ang sentence. I assumed, na-deliver na sa kanya. I don’t remember the name, that is the first one. This guy has only served, to be honest reclusion perpetua..mga 8 years. Pero, iyong condition niyang cancer na stage 2 naging stage 4. So, upon the recommendation of the Board and Secretary of Justice, pinirmahan iyong first,” anito.

Nauna rito, masusi naman niyang pinarerebisa ang kaso ng mga bilanggong babae sa New Bilibid Prison (NBP) na nakatakda niyang bigyan ng pardon sa Disyembre.

“Sa Bilibid po ang unang hinarap sa akin, kaya pinapa-review ko nga po lahat eh,” anito.

Sinabi niya na inaayos lamang niya ang sistema na magkaroon ng konsiderasyon sa mga bilanggong nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo.

Sa ibang lugar aniya kapag sinabing life sentence ay talagang habambuhay na pagkabilanggo dahil sa Pilipinas aniya ay ang kahulugan ng life sentence ay 40 taon.

“Kapag umabot ka ng 70 (taon) ay baka hindi mo na i-serve. Uulitin ko lang po, maski hindi ka umamin ng kasalanan, maski hindi ka magpakita ng pagsisisi, iyong ginawa mo, dini-discount ka na kaagad sa iyong service,” anito sabay sabing “So, parang paano naman po iyong mga biktima. At saka may obligasyon ako..hindi lang iyong kapakanan, pagbalik nila sa lipunan,” ayon sa Pangulo.

Samantala, inamin ng Pangulo na banta sa lipunan ang mga bilanggo lalo na iyong mga may mabibigat na kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply