Presong tumakas sa Masbate napatay sa engkuwentro

PATAY sa engkuwentro ang isa sa tatlong presong nakapuga sa Masbate provincial jail nang kumasa sa kagawad ng pulisya ng Cebu City.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa mabatid ng pulisya kung sino ang napatay sa mga pumugang presong sina Rommel Padailap, may kasong rape; Jessie Cabier, may kasong murder, at  Romeo Olasla Jr., na nahaharap sa kasong frustrated murder na pawang preso sa Palanas Municipal Jail. Dalawa sa kanila ang naaresto at ngayon ay naibalik na sa naturang piitan.

Sa ulat ni Senior Supt. Tomas Seminiano, hepe ng Masbate Provincial Office, na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente Huwebes ng gabi, Hulyo 14, sa isang bisinidad sa Cebu City.

Nakorner ng kanyang mga tauhan ang tatlong pugante sa lugar pero nanlaban kaya binaril at napatay ang isa sa kanila habang ang dalawa naman ay nadakip.

Sa pagpuga ng tatlong preso noong nakaraang linggo ay napatay nila si SJ01 Rene Danao habang malubhang nasugatan naman ang kasama nitong si JO2 Julius Cervantes, kapwa jail guard ng Masbate City Jail.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply