Presyo ng kuryente nais pababain sa Kongreso

PANAHON na para pakinabangan ng taumbayan ang benepisyo mula sa sariling energy resources sa pamamagitan nang pagtanggal sa mga magkakaibang buwis at royalty na napupunta sa indigenous resources na hindi sakop ng Renewable Energy Act of 2008.

Ayon kay Cagayan de Oro 2nd district Rep. Rufus Rodriguez, kailangang makahanap ang bansa ng alternatibong pagkukunan ng enerhiya para mabawasan ang pagpapasustento sa langis dahil sa walang-puknat na pagtaas ng halaga ng krudo na ipinatutupad ng tatlong higanteng kompanya ng langis sa unang dawalang buwan ng 2011.

“Kung matatanggal ang buwis at royalties sa indigenous at imported fuels, ang presyo ng electric generated gamit ang indigenous resources ay bababa sa kabuuan,” wika ni Rodriguez.

Sinabi ni Rodriguez na ang bahagi ng government royalties mula sa indigenous natural gas ay tinatayang nasa P1.46/kWh, na may lima hanggang walong ulit ang ipinataw sa imported fuels tulad ng coal, P0.17/kWh, langis P0.29/kWh at liquefied natural gas P0.29/kWh.

Ang House Bill No. 4501 na iniakda ni Rodriguez ay naglalayong tanggalin ang diperensiya sa tax at royalty treatment sa pagitan ng indigenous energy resources at imported fuels.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply