Price hike ipatutupad ng Shell, Chevron

MULING magtataas ng singil sa petrolyo ang dalawang kompanya ng langis.

Nag-abiso na sa Department of Energy (DoE) ang Chevron at Shell kaugnay sa gagawing oil price hike.

Epektibo mamayang 12:01 ng hatinggabi, ipatutupad ng Shell ang dagdag presyo sa kanilang produkto.

Tataas ng P1.10 sentimo kada litro sa diesel; P1.00 sa kerosene; P0.60 para sa regular gasoline at P0.30 para sa unleaded premium gasoline.

Agad naman susundan ng kapareho ding pagtataas sa presyo ng kompanyang Chevron Philippines bukas araw ng Martes, ganap na alas 6:00 ng umaga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply