Probe team sa pananapak ni Duterte binuo

AGAD bumuo ng fact-finding team ang Department of Interior and Local Government (DILG) para imbestigahan ang pambubugbog ni Davao City Mayor Sarah Duterte sa sheriff na si Aby Andres, ng Davao Regional Trial Court, Biyernes ng gabi.

Ani DILG Sec. Jessie Robredo, may dapat na ikagalit si Duterte sa hindi pagbibigay sa kanyang kahilingan na dalawang oras  bago ipatupad ang demolisyon pero ang pananakit sa sheriff ay may legal nang pananagutan ang alkalde.

Matatandaan na uminit ang ulo ni Duterte at ilang ulit na sinapak si Andres matapos itinuloy ng huli ang demolisyon sa kabila ng pakiusap ni Duterte.

Gayunman, sinabi ni Robredo na hindi niya papangunahan ang magiging kahihinatnan ng kaso ni Duterte, kaya magpapadala siya ng fact-finding team sa Davao sa Lunes para magsagawa ng imbestigasyon.

Sinabi rin ni Robredo na kung anuman ang magiging resulta ng kanilang imbestigasyon ay irerekomenda niya ito kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at kung aaprubahan ay agad nilang ipatutupad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply