Problemadong Koreano nagbigti

ISINAILALIM na sa imbestigasyon kung ano ang motibo ng pagpapatiwakal ng 50-anyos na Korean national na natagpuang nakabitin gamit ang sintas ng sapatos sa kanyang inuupahang apartment sa Malate, Manila, Martes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Shin Sung Kyun, kasalukuyang nanunuluyan sa 2654–D Saigan St., Malate, Manila.

Batay sa ulat, ipinarating ni Det. Dave Tuazon kay P/Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 9:00 ng umaga nang matuklasan ang nakabiting biktima sa tabi ng kanyang kama, habang nakasabit sa dingding.

Wala namang matukoy ang pulisya sa dahilan ng pagpapakamatay ng Koreano.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply