Suplay ng manok, baboy titiyaking sapat – DA

NAKATAKDANG makipagpulong sa susunod na linggo ang Department of Agriculture (DA) sa mga producers ng manok at baboy para matiyak na sapat ang suplay ng produktong karne sa merkado.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, nakatakdang pag-usapan ng kagawaran ang mga pamamaraan upang matiyak na hindi mabibitin suplay ng mga produktong karne hanggang sa Enero 2012.

“Magpapatawag kami ng meeting (sa mga magmamanok at magbaboy). Pag-uusapan namin ang supply hanggang sa holiday season. We need to project,” ayon kay Alcala.

Sinabi ni Alcala na ang mga nag-aalaga ng manok ay umaani sa loob ng 35 araw at ang mga magbababoy naman ay nakapag-aani ng alagang baboy hanggang anim na buwan kaya supisyente ang karne hanggang sa Disyembre.

Sa kasalukuyan, gumagawa na ng pamamaraan ang DA upang matiyak na hindi tataas ang presyo ng manok at baboy sa pagpasok ang Kapaskuhan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply