Productivity bonus para sa private workers isinusulong

ISINUSULONG nina Camarines Sur Rep. Diosdado “Dato” Arroyo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang pagsasabatas ng pagbibigay ng taunang productivity bonus sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Nakapaloob ito sa inihaing House Bill 1218 ng mag-inang mambabatas sa layong mabigyan ng maayos na pagkukunan ng dagdag na kita ang mga obrero.

Ipinunto ng mga naturang mambabatas na mainit na pinagtatalunan ngayon ang dagdag-sweldo at benepisyo gayundin ang maayos na kondisyon sa paggawa ng mga manggagawa.

“As a result, the productivity expected both from labor and management suffers, thereby lessening their ability to compete and survive as one cohesive entity,” diin ng mga Arroyo.

Naniniwala ang nakababatang Arroyo na ang tagumpay at pag-unlad ng isang negosyo ay nakadepende sa nagkakaisang pagkilos at maayos na samahan ng mga obrero at pamunuan ng pinagtatrabahuhang kumpanya.

Ang pagbibigay umano ng productivity bonus ay hindi lamang aniya magiging kapakinabangan ng mga manggagawa kundi higit ng isang kumpanya dahil sa malaking resulta o produksyong makukuha nito.

“The worker’s right to an improved life as well as management’s right to a reasonable return on their investment are both satisfied and as a result avoids gridlocks which are very counterproductive,” punto pa ng mga kongresista.

Bukod diyan, inihain din ng mga Arroyo ang House Bill 4606 na layong proteksyunan ang mga manggagawa at ang kanilang pamilya laban sa panganib sa pagtatrabaho sa mga lugar ng agrikultura.

Partikular na rito ang paggamit ng mga pestisidyo na patuloy pa ring ginagamit sa Pilipinas subalit ipinagbawal na sa maraming bansa tulad ng Estados Unidos, base sa pag-aaral ng Institute for Labor studies.

“Acute pesticide poisoning has been traced to unsafe practices in the handling, storing and disposal of pesticides.  Our proposal seeks to address this by educating our farmers to be extra careful when dealing with such substances,” ayon sa nakababatang Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply