Produksyon ng tabako tumaas ng 26 porsiyento

NAKAPAGTALA ang National Tobacco Administration (NTA) ng 26 porsiyentong pagtaas sa produksyon ng tabako sa buong bansa noong 2010 o karagdagang 15,195 metrikong tonelada (MT) kung ihahambing sa bilang na naitala noong 2009.

Nagsumite ng ulat si NTA Administrator Edgardo D. Zaragoza kay Agriculture Secretary Proceso Alcala kung saan nakasaad na umabot sa 73,767 MT ang produksyon ng tabako mula Enero hanggang Marso ng 2010, na mas mataas sa 58,572 MT na produksyon noong 2009.

Aniya, may 13 prosiyentong pagtaas din sa naaaning tabako sa kada ektaryang pinagtamnan nito dahil mula 1,931 kilo bawat ektarya noong 2009, nasa 2,184 kilo kada ektarya na ito noong 2010.

“This was a result of technology packages, technical assistance and marketing services provided by NTA under its Market Driven Quality Tobacco Production, a component of its Integrated Farming and Other Income Generating Activities Project (IFOIGAP),” ayon pa sa opisyal na press statement ng NTA.

Batay sa kanilang ulat noong Hunyo, may kabuuang 54,337 magsasaka na nagtatanim ng tabako ang nakinabang sa naturang programa. Mas mataas din ng 13 porsiyento ang bilang nito kung ihahambing sa 48,259 naitalang benepisaryong magsasaka noong 2010.

Mas malawak din umano ng 16 porsiyento ang pinagtamnan ng tabako ngayon na nasa 38,275 ektarya habang 32,871 ektarya lang noong 2010.

Samantala, may 7,023 magsasaka ang nakinabang sa Tobacco Contract Growing System ng ahensiya na nakakuha ang gobyerno ng P126 milyong pondo para sa crop year 2009-2010. Higit na mas madami ang magsasakang nakinabang dito kung ikukumpara noong sinundan nitong taon na 4,652 lamang ang bilang nila.

“The NTA’s seed production and distribution efforts had resulted in the distribution of 158 kilograms of certified tobacco seeds, benefiting 12,500 farmers planting in around 688 hectares,” wika pa ni Zaragoza.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply