Programa ni Amy Perez pinahina ni Atty. Acosta

HINDI namin natututukan ang mga programa sa telebisyon sa umaga dahil abala na kami sa aming mga ‘labada.’ Hehehe! Kaya itong “Face to Face” ni Amy Perez ay hindi namin napanonood.

Pero ang ating mga dear readers ay talagang aktibo sa katitingin sa mga programa sa TV. Ilan sa kanila’y hindi pinalalampas ang mga panoorin sa boobtube. Basta may popcorn at softdrink, talo-talo na.

Dahil d’yan, naibida nila sa atin na napansin daw nilang humina ang programa ni Amy in terms of commercial load at ‘yung init ng programa nang magkaroon ng sariling show si Atty. Persida Acosta.

Kasi nga, madalas raw ay wala sa Face to Face ang pamosong abogada na hepe ng Public Attorney’s Office at host ng programang Public Atorni.

May isang Acosta raw na abogado rin ang humahalili kay Atty. Persida kapag wala ito sa programa.

Pero ‘yung fire na tanging ang huli lang ang nakapagbibigay nito sa Face to Face maliban kay Ms. Perez, ay wala rin kapag wala siya. Ito marahil ang isa sa dahilan kung bakit nabawasan ang tindi ng dating ng nasabing show.

‘Yung kasing talakan sa araw-araw na panonood sa FTF ay nakauumay na din. Minsan nga ang iniisip ng iba ay parang may script na binabasa at pinag-aaralan ang mga bisita sa show para magmukhang makatotohanan ang pag-arte nila. So, ang talagang buhay ng palabas na ‘to ay nakasalalay pa rin sa mga hosts.

Ano sa palagay n’yo?

***

May paboritismo sa MMFF

TAUN-TAON na lang sa tuwing may Metro Manila Film Festival ay laging may reklamong nangyayari rito. Laging may dehado at llamado sa pagpili ng mga pelikulang isasali rito.

Pa’no ka namang di magdadamdam sa pamunuan ng MMFF, katulad ng nararamdaman ngayon ni Gov. E.R. Ejercito, gayung parating si Lily Monteverde na lang ang kumukopo sa halos lahat ng pelikulang kasali sa palabas. Kumbaga, kung sino ‘yung kasali kada taon, ‘yun at ‘yon din.

Imagine, may time na apat ang entry ng Regal Films sa pestibal. Ano ‘to, Regal Film peste, este, pestibal? Hehehe!

Maawa naman kayo sa ibang producer na ang iniisip lamang ay makapagbigay ng quality movie na puedeng ipagmayabang sa ibang bansa katulad ng nasa isip ni Gov. E.R. Huwag namang puro kayu-kayo na lang.

Itong si Mother Lily ay puro ang kikitain niya ang iniisip e. Kaya talagang di ito pumapayag na hindi kasali sa MMFF ang proyekto niya. Kesehodang pito-pito lang ang pelikula niya e, talagang isinisiksik niya ito. Kung puede nga lang pitong pelikula ang maipasok niya sa pestibal. Hahahaha!

Nakapanghihinayang talagang hindi napili ang Asiong Salonga ni Gov. E.R. Naiiba sana itong palabas na ito na magsisilbing pang-balanse sa mga entry ng ibang movie outfit na puro lang namang mga slapstick comedy o kaya ay horror na hindi naman nakatatakot. Giatay!

***

Palakasan ng tili sina Marcelito at Jed Madela

ENJOY at nakatutuwang panoorin daw kapag naglalaban sa kantahan sina Marcelito Pomoy at Jed Madela dahil sa taas ng mga tili nila. Hahahahaha!

Katulad nu’ng nangyari sa ASAP last Sunday kung saan nagtapat ang dalawa at nagpataasan ng ihi sa pagkanta. Mas manipis at matinis daw (parang ibong pipit) ang boses ni Marcelito kumpara sa buga ng ngala-ngala ni Jed na animo’y kuliglig sa kagubatan. Hehehe!

Kapag ginulat ang dalawang ito, sino raw kaya ang may pinakamalakas na tili sa kanila, si Jedai ba o si Mars? Aminin….Hahahahaha!

Sana raw gawing regular ang tagisan ng kanilang mga tilian sa ASAP Linggo-Linggo para happy ang lahat. Naiiba raw ito. Hindi pa ito nangyayari sa isang musical variety-show.

In fairness, magagaling silang kumanta. Matataas ang boses nila. Konting suhestiyon lang kay Pomoy, sana hindi lahat ay palseto ang gagamitin niyang boses sa mga number niya. May mga pagkakataon kasi na nagpa-flat note siya dahil kinakapos. Mas maganda kung tunay pa ring boses niya ang maririnig ng mga tagahanga n’ya dahil ‘yon naman talaga ang tama. Wala naman sila sa bar para makinig sa boses bading na mga tirada ng PGT2 grand prize winner.

Si Kris Aquino lang ang natutuwa sa boses na maninipis at matitinis dahil hindi naman siya marunong kumanta. Ewan nga kung bakit naging judge siya sa Pilipinas Got talent.

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply