Programang pabahay sa NPC huwag idamay sa intriga

LUMALABAS sa ilang pahayagan kamakailan na “iniipit” umano ni dating National Press Club (NPC) President Benny Antiporda ang P6 milyon na pondo ng samahan na ang totoo ay inilaan ito sa housing project para sa mga miyembro. Sa malisyosong kahulugan, gustong palabasin na “ibinulsa” ito ni Benny at ayaw “hatian” ang kanyang mga kasamahang opisyal sampu nang lahat ng miyembro ng NPC.

Sa mga pumatol sa istorya, sinabi ng mga editor na “kumpleto” ang kanilang dokumento sa naturang isyu, kasama na ang mga resibo sa ginagawang pagbabayad ni Benny sa NPC sa interes ng pera. In short ay hindi umano “libelous” ang istorya dahil ito ay “documented.” Kung paano naman sila nagkaroon ng kopya ng mga sensitibong dokumentong ito nang walang nagbigay sa kanila at bakit bigla na lang itong naging isyu, ’yan ang misteryoso sa likod ng nasabing balita.

Ang malinaw sa ngayon, may ilang indibiduwal at opisyal sa NPC na tila galit at tutol na mabigyan ng murang pabahay ang mga NPC member. Ano kaya ang gusto nila: “sibakin” o paghatian na lang nila ang pondong galing sa pagbebenta ng Manansala mural? Wala ba silang pakialam talaga sa kapakanan ng maraming kasamahan sa NPC na hanggang ngayon ay masasabing “squater” dahil hindi kayang makabili ng sariling bahay at lupa kahit dekada nang reporter at editor?

Abay, mahiya naman kayo, mga bosing! Lumalabas kasi sa imbestigasyon ng NPC na panay raw ang tanggi ng isang lady officer ng NPC na siyang kumukuha ng kopya ng mga nasabing dokumento ilang buwan na ngayon ang nakaraan.

Sa paliwanag na ibinigay ng mga antigong empleyado ng NPC kay NPC Pres. Jerry Yap ay nakatikim sila ng pagmumura, pananakot at paninigaw sa nasabing opisyal nang umangal sila na magbigay ng dokumento sa kanya.

Sana ang advice ko kung sinomang lintek na lady officer ka ay maghunos dili ka naman! Hindi mo ba alam na ang ginawa mong paninira kay Benny ay magmamarka sa buong NPC? Gaga ka!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply