Promosyon ng outsider sa BoC police tinutulan

MAHIGPIT na tinutulan ng Officers Corps ng Bureau of Customs (BoC) Customs Police Division ang panukalang appointment ng isang personnel ng Enforcement and Security Service.

Ayon sa mga opisyal ng Customs police, mahigpit nilang tinututulan ang rekomendasyon para sa appointment ni SPO3 Vilma Adil Jalman ng Philippine National Police (PNP), isang protégé ni BoC-ESS Director Nestorio Gualberto, bilang Special Police Captain ng Customs Police Division, ESS ng BoC, bunsod ng sumusunod na mga kadahilanan.

Anila, si Jalman ay hindi organic member ng Customs police.

Sa katunayan, nabatid na siya ay nagsilbi ng ilang taon sa Philippine National Police (PNP) at nakaabot sa pamamagitan ng promosyon sa ranggo bilang Special Police Officer 3.

Bagama’t ang mga opisyal ng Customs police ay humahawak ng military ranks, ang kanilang posisyon ay “civilian in character” kaya sila ay sumusunod sa Civil Service rules and regulations, kabilang ang appointments at promosyon.

Wala rin anilang tinatawag na “lateral promotion” sa civilian position katulad ng Special Police Captain ng Customs Police Division, ESS at ito ay dapat na nakareserba lang sa organic Customs police officers na siyang sumusunod sa ranggo.

Ipinunto rin nilang kada taon, limitado lamang ang slots ng officer’s item na nabubukssan katulad ng Special Police Captain at pinaglalabanan pa ng maraming mga officer na tumaas ang ranggo sa pamamagitan ng merito.

Dahil dito, naniniwala silang hindi ito parehas para sa kanilang mga officer na isinakripisyo ang kanilang buhay sa Customs police service para lamang maagawan ng posisyon bilang Special Police Captain ng isang “outsider.”

“What meritorious service did SPO3 Jalman extended to our organization to be rewarded the position of Special Police Captain to the detriment to us organic officers who served the Customs Police organization for more than 30 years, awaiting to be promoted as Special Police Captain or higher position?” tanong ng mga opisyal at mga miyembro ng board ng Samahan ng Pulis Aduwana Inc. (SNPAI).

Idinagdag nilang hindi tayo nasa revolutionary government para tumalon si SPO3 Jalman sa plum item ng Special Police Captain, na hinahangad din nilang mga organic personnel na maabot sa pamamagitan ng merito makaraan ang pagsisilbi ng 20 taon o mahigit pa.

“The news that it will rewarded to SPO3 Jalman bypassing us organic Customs Police officers, who had been anticipating such promotions, has a demoralizing effect on performance and slap on the face of the officers (Lieutenants) who are next in rank, more than qualified and competent,” dagdag pa ng grupo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply