Protesta sa SONA handa na

HANDA na ang kilos-protesta ng iba’t ibang grupo partikular ang mga kabataan sa gaganaping ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Hulyo 25.

Ayon kay Anak Bayan National Chairman Vencer Crisostomo, layon ng kanilang pagkilos na ipakita sa pamahalaan na lubog na sa kahirapan at kagutuman ang bansa.

Nabatid na bukod sa isasagawang kilos-protesta, nakatakda ring magsagawa ng mass walkout sa mga paaralan sa Hulyo 19 upang ipakita ang kanilang pagkadismaya kay Pangulong Aquino dahil sa ginawa nitong pagkaltas sa budget ng mga state colleges and universities (SCU) gayundin sa hindi mapigilang tuition hike.

Inaasahang lalahok ang mga grupo ng kabataan sa naturang kilos-protesta na kinabibilangan ng National Union of Students in the Philippines, Student Christian Movement of the Philippines at League of Filipino Students.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply