PSCO nagbigay ng ‘blood money’ para sa biktima ng OFWs sa KSA

AMINADO ang Department of Foreign Affairs (DFA) na nagbigay ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng pondo para magamit bilang “blood money” o kabayaran sa mga naging biktima ng mga oversea Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia.

Sa isang pulong pambalitaan kahapon, inamin ni Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos na galing sa pondo ng PCSO ang P20 milyon na ginamit ng mga pamilya ng OFW upang bayaran ang mga naging biktima kapalit ng kanilang kalayaan.

Gayunpaman, mariing itinanggi ni Conejos na personal niyang kinuha para sa kagawaran ang nasabing pondo, bagkus ay direktang iniabot ito sa pamilya ng mga kababayang may kaso sa Gitnang Silangan.

Ang nasabing pondo ay ginamit umano bilang danyos perwisyo sa mga kamag-anak ng tatlong Pinoy na napatay ng kapwa OFW sa Saudi noong 2006.

Ayon kay Conejos, pitong OFW ang kinasuhan sa pagpatay subalit tatlo lamang dito ang nahatulan ng parusang kamatayan.

Ikinuwento pa ni Conejos na inabisuhan ng kagawaran ang tanggapan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa nasabing insidente, kasabay ng paghingi ng ayuda para sa blood money.

Aniya, wala siyang tinanggap na pera mula sa PCSO o maging kay dating PCSO general manager Rosario Uriate.

Ipinagdiinan nito na ang patakaran ng pamahalaan ay gamitin ang lahat ng ligal na pamamaraan upang mailigtas sa kamatayan ang mga inaasuntong OFW.

“Gayunpaman, sa ilalim ng batas ng Saudi, may pamamaraang ligal para mabigyan ng kapatawaran ang nagkasala at ito ay ang pagbibigay ng blood money para sa naging bikma,” paliawanag pa ni Conejos.

Sinabi pa nito na nahikayat ni Pampanga Archbishop Pancianioi Aniceto ang pamilya ng biktima na pumayag na lamang sa kabayarang P5 milyon bilang blood money.

“Matapos ang kasunduan, ipinaalam namin sa Office of the President ang naganap na pag-uusap at humingi kami ng tulong upang maibigay ang nasabing halaga.” dagdag pa ni Conejos.

Aniya, tumanggap siya ng tawag mula kay Uriate noong Mayo 13, 2010 kung saan humihingi ang huli ng isang pagpupulong upang pag-usapan kung papaano maibibigay ang nasabing blood money.

Naganap ang una at huling pag-uusap nina Conejos at Uriate noong araw ding iyon kung saan sinabi ng Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers na dapat idaan sa pamamagitan ng ‘maneger’s check’ at hindi cash ang pagbibigay ng ‘blood money’ at nakapangalan ito sa tatlong biktima.

Iginiit pa ni Conejos na hindi dapat dumaan sa kamay ng DFA ang pagbibigay ng pera.

“Someone from the PCSO should carry the checks. No way will the DFA be involved in the transfer of funds,” giit pa nito.

Aniya, sa presensiya ni Archbishop Aniceto, iniabot ni dating PCSO assistant manager Benigno Aguas ang tseke sa tatlong  benepisaryo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply