Sindikatong gumagamit sa DSWD ibinunyag

BINALAAN ni Social Welfare Secretary Corazon “Dinky” Soliman ang publiko na mag-ingat sa sindikatong nanghihingi ng donasyon gamit ang pangalan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Soliman, gumagamit ang grupo ng telepono, e-mail at text messaging o kumakatok sa mga bahay upang manghingi ng donasyon na umano’y gagamitin sa proyekto ng kagawaran.

Anang kalihim, wala ipinadadalang tao ang DSWD at hindi nito pinapayagan ang mga door-to-door fund solicitation.

Ipinaliwanag ng kalihim na sa illaim ng Presidential Decree No. 1564 o ang Solicitation Permit Law, tanging ang DSWD lamang ang may kapangyarihang magpahintulot ng panghihingi ng mga donasyon para sa mga charitable institution.

Hinikayat ni Soliman na tumawag sa hotline number na 700-3793 ng DSWD upang agad maitawag ninuman sakaling may taong lumapit na nagsasagawa ng ganitong mga iligal na aktibidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply