Pugante inginuso ng kamag-anak, tiklo

NATUNTON ng pulisya sa pinagtaguang lalawigan ang isa sa apat na puganteng preso na tumakas sa Pateros Municipal Jail matapos ipagkanulo ng kanyang mga kamag-anak.

Naibalik na sa kulungan kamakalawa ng hapon ng mga tauhan ng Pateros pulis ang puganteng si Teotimo Laderas nang matunton sa sa Barangay Madayap, Masantol, Pampanga matapos na ituro ng kanyang kamag-anakan.

Magugunita na unang nadakip ng pulisya si Erwin Constantino sa pinagtaguang bahay sa Barangay Hagonoy, Taguig City isang araw matapos silang tumakas sa bilangguan na nasa basement ng gusali ng Municipal Hall Annex noong Hunyo 26 ng madaling araw sa pamamagitan ng paglagari sa rehas na bakal.

Ang dalawa pang pugante na sina Antonio Reyes at Rowel Labios na kapuwa nahaharap sa kasong robbery hold-up ay tinutugis pa rin ng pulisya matapos mabigo ang mga awtoridad na matunton sa kani-kanilang pinaglulunggaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply