Pulis, pulis bakit ka ganyan?

BAKIT nga ba na mga abusado, arogante at maangas  kapag nakahahawak na ng baril ang mga bagitong pulis?

Bakit nga ba?

Ito ang kadalasang itinatanong ng mamamayan sa pamunuan ng Philippine National Police kung bakit malalakas ang loob ng mga bagitong pulis na gumawa ng kung ano-anong krimen.

Hindi ba karamihan sa mga nasasangkot na pulis  sa malalaking krimen ay may ranggong POI’s?

Patunay lang ito na  sila ay mga  bagito pa lang  sa organisasyon.

At kung mayroon mang mga  abusado , arogante at maaangas na baguhang pulis ay masasabi nating ang mga ito ay nakatalaga sa Metro Manila partikular na ang mga naka-assign sa Manila Police District at Quezon City Police District.

Pansinin natin ang mga bagitong pulis na nakatalaga sa  QCPD, sa labas pa lang ng QCPD Hearquarters sa Kampo Karingal ay  makikita na rito ang mga motor na nakabalandra sa kalsada ng Makadios St. Walang pakialam ang mga bagitong pulis na  may-ari ng mga motor kung  ang kanilang sasakyan ay  nakasasagabal ba sa iba pang motorista.

Reklamo ng mga residente sa nasabing lugar,  walang disiplina ang mga  “rockie cop” sa pagparada ng kanilang mga sasakyan, hindi lang motor kundi maging ang kanilang mga kotse.

Maging ang mga mobile patrol  ay  sa gitna na ng kal-ye  ipinaparada  kaya wa-lang ibang sasakyang nakararaan dito.

Hindi kaya napapansin ni QCPD Director Chief Supt. George Regis, ang mga nakabalandrang sasakyan  sa labas ng Kampo Karingal gayung nadadaanan niya ito pagpasok ng kampo?

Isa pa sa kapansin-pansin ay kung bakit mga nakataas at halos na  itago  ang plaka ng karamihan sa mga motor na nakaparada sa Makadios St.

Sinilip ng Lily’s Files ang mga nakataas na plaka ng mga motor na nakaparada at laking gulat ng inyong lingkod nang makita ko ang mga nakataas na plaka dahil ang mga ito  ay “expired” na.

May katuwiran  nga naman ang mga may-ari ng  mga motor na ito na  itaas at itago ang kanilang mga plaka dahil expired naman pala.

Mahigpit  ang QCPD sa pagbabawal na ibiyahe  ang mga motor na expired ang  plaka, ngunit bakit nila ito  ginagawa?

Katuwiran ng ilang  bagitong pulis na ating nakausap ay walang huhuli sa kanila dahil pulis na sila ngayon.

Oh saan ka? Only in the Philippines mayroong ganito kaastig na pulis at sa Quezon City pa.

* * *

MISTULANG isang parking lot na ang kanto ng East Avenue at Magalang St. malapit sa EDSA partikular na sa labas ng tanggapan ng Land Transporatation Franchising Regulatory Board.

Maging ang bangketa rito ay mga sasakyan na ang naka-park at ang kalahati  ng kalsada ng East Avenue, kaya ang mga tao ay sa gitna na ng kalsada  dumaraan.

Delikado ito sa mga tao na dumaraan sa gitna ng kalsada ng East Avenue lalo pa at daanan ito ng mga  killer bus patungong Commonwealth Avenue. Alam niyo naman ang mga driver ng mga bus, walang pakialam  kahit na makasagasa  pa sila ng  tao basta ang importante makapagpatakbo sila ng matulin para makakuha ng pasahero.

Nakapagtata ka lang kung bakit  pinababayaan ito ng  LTFRB gayung  nasa labas lang ito ng kanilang tanggapan. Maging ang  mga  traffic enforcer ay parang wala silang nakikita samantalang may mga pulis namang mga nakatayo  sa nasabing lugar.

Hay naku, magkano kaya ang lagay rito ng bawat sasakyan na pumaparada, tiba-tiba rito ang mga pulis sa dami ng nakaparadang sasakyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply