Pulisya vs. Treasure hunters: parak sugatan

SUGATAN ang isang parak nang magkasagupa ang mga pulis at armadong grupo ng mga treasure hunter sa Sipalay City, Negros Occidental.

Nakilala ang nasugatang pulis na s PO2 Ricky Lademura na nagtamo ng sugat sa ulo at nakatakdang isailalim sa operasyon sa pagamutan sa lungsod ng Bacolod.

Nabatid na nagkasagupa ang dalawang grupo matapos rumesponde ang mga pulis sa reklamo ng isang sibilyan na binantaan umano sila ng armadong grupo sa pangunguna ni alyas Gilbert matapos nagpatayo ng kubo malapit sa yungib na pinagtataguan ng grupo ng mga treasure hunter.

Sinasabing ipinagbabawal ng grupo na may ibang tao na makalapit sa yungib upang hindi magambala ang kanilang paghahanap ng mga nakatagong yaman na pinaniniwalaang nasa loob at paligid ng naturang lugar

Ayon pa sa ulat, papalapit pa lamang ang mga pulis sa lugar upang mag-imbestiga nang pinapaputukan sila ng grupo kung kaya nagkaroon ng sagupaan na ikinasugat ni PO2 Lademura.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang negosasyon upang mapasuko ang mga armadong grupo na nagtatago sa loob ng yungib.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply