Pulitika at kalamidad

NAKATALI ang atensyon ng maraming pulitiko sa ginagawang imbestigasyon ng Senado sa mga anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

At tila hindi nila gaanong pinapansin ang iba pang bagay na kung tutuusin ay higit na mahalaga kaysa iskam sa PCSO.

Kaugnay ito ng pagngangangawa maya’t maya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na may mga namumuong bagyo kung saan-saan.

Ang tanong dito ay gaano tayo lagi kahanda na humarap sa mga kalamidad na dulot ng mga bagyo, siyam-siyam na ulan, baha at lanislayd?

oOo

Naiisip natin ang kalamidad dahil bibihira sa mga ahensiya ng gobyerno ang naghahayag ng kahandaan na tumulong sa mamamayan sa oras na maganap ito.

Sa hanay lang ng pulisya, dahil sa korapsyon o maling pagbili ng mga rubber boat, makina para rito, galing sa ukay-ukay na helikopter at patrol boat, lumalabas na pilay ito laban sa kalamidad. May mga natatagpuan pa ngang mga gamit para rito at basta na lang itinuturing na basura sa halip na ingatan para tuloy-tuloy sanang magamit ang mga ito.

oOo

Sa hanay naman, halimbawa ng Department of Public Works and Highways, hindi tayo gaanong nakaririnig mula sa kanila ukol sa kahandaan ng kanilang mga buldoser, payloader, dump truck at iba pang mga makinarya laban sa lanislayd, baha at iba pang nakamamatay na puwersa ng masa-mang panahon.

Karaniwan naman kasing galing din sa ukay-ukay ang mga ito at sirain kaya naman mas maraming araw ang mga ito na nire-repair o itinatabi na lang sa mga sulok-sulok.

Noong naganap nga ang St. Bernard tragedy, nag-iisang makinarya ang gumagana sa kung ilang araw bago dumating ang iba pang makinarya laban sa lanislayd.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply