Pulitika raw ang dahilan sa ginagawa kay Recom

MAGULO na ngayon sa Caloocan City dahil sa umano’y  railroaded at baseless na hatol ng Ombudsman sa isinampang kaso kay Mayor Recom Echiverri.

Biruin ninyo, July 11, 2011 nang magsampa ng kaso si Vice-Mayor  Egay Erice ng Motion for Preventive Suspension at pagkatapos lang ng isang linggo July 17, (Sabado) naglabas na ng desisyon ang Ombudsman nang hindi man lang binigyan ng kopya ng complaint affidavit ang nasabing alkalde.

Malinaw pa sa sikat ng araw na PULITIKA ang ugat ng pagbuweltang ito ni VM Erice kay Mayor Echiverri.

E paano ba naman kasi, halatang-halata na alam ni VM Erice na patuloy na ang pakikipag-ugnayan ng City Government ni Recom sa Government Service Insurance System para i-reconcile ang mga datos nila sa pagbabayad ng premium ng mga empleyado.

Maging ang GSIS ay aminado na may problema sa record ng Caloocan kaya dapat munang ayusin. Tulad daw ito ng napakarami pang lungsod sa Metro Manila.

Mismong ang Supreme Court, Department of Justice, at DepEd ay may ganitong poblema at sumasailalim sa reconciliation, eh bakit sila di sinuspinde?

Masyadong malakas si Erice sa Ombudsman  kaya malakas din ang paggastos niya sa PR para banatan si Mayor. Maaga pa ang 2013.

KILATISIN SI QUELATES  SA BULACAN

Gumawi tayo sa lalawigan ng Bulacan kilatisin  natin si Supt. Quelates ng S2 ng Bulacan PHQ.

Si Quelates ang protector at collector ni Bulacan OIC PD Supt. Fernando Mendez.

Kasama ni Quelates ang tauhan nitong si Rino M. sa pangongolekta ng mga iligal na pasugalan sa buong Bulacan.

Masigasig sina Quelates at Rino na mangolekta ng mga iligal na pasugalan dahil sa malaki ang nakukuha nilang intelihensiya sa mga bisyo. (Itutuloy)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply