QC Treasury nagpaliwanag sa utang sa buwis ng GMA-7

NILINAW ngayong araw ng Office of the City Treasurer (OCT) kung bakit may malaking pagkakautang sa buwis ang GMA Network, Inc., sa kabila ng pagiging Hall of Famer nito bilang Top 10 taxpayer ng Quezon City.

Matatandaang kamakailan lamang ay lumabas ang ulat sa ilang pahayagan na mahigit P800-milyon ang pagkakautang ng Kapuso network sa Lungsod ng Quezon dahil sa hindi nabayarang business tax mula 2005 hanggang 2010.

Inamin ng legal counsel ng OCT na nag-assess sa account ng GMA Network, Inc., na totoo namang nangunguna sa pagbabayad ng buwis ang nasabing broadcasting giant.

“Magaling magbayad ng tax ‘yan (GMA 7). Honest ‘yan sila magbayad,” ani Atty. Arnel Magcalas, ang binanggit ni City Treasurer Edgar Villanueva sa kanyang Notice of Assessment na isa sa mga nag-assess sa account ng Kapuso network.

Ayon kay Magcalas, dahil sa isang malaking kumpanya ang GMA Network, natural lamang na malaki rin ang kinikita nito at malaki rin ang binabayarang buwis na naging dahilan para mabansagan silang isa sa nangungunang taxpayer sa siyudad.

“Although may tax deficiency sila, does not follow na bumaba na ang category nila,” sabi pa ni Magcalas.

“Hindi sila matatawag na tax evader, may deficiency lang (sa binabayaran nilang mga buwis),” dagdag pa ng legal counsel ng OCT.

Gayundin ang sagot ni Villanueva na nagsabi pang gusto lamang ng Kapuso network na ma-review ang kanilang account.

Lumabas kamakailan sa ilang pahayagan na nagtataka ang Kapuso network kung saan nagmula ang nasabing assessment ng OCT.

Nilinaw din ni Magcalas na bagamat nakakapagbayad ng buwis sa termino ng franchise taxes ang GMA, kailangan pa rin nilang bayaran ang business taxes bilang contractor lalo na’t may mga subsidiary ito.

“Kung may delinquency ang subsidiaries mo, may delinquency ka rin,” paglilinaw pa ni Magcalas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply