QC walang pasok sa SONA ni PNoy

AYON sa Department of Education (DepEd) suspendido ang klase sa Lunes (July 25) sa lahat ng antas sa Quezon City kasabay nang ikalawang state of the nation address ng Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, kasama sa deklaradong walang pasok ang mga pribadong paaralan para hindi maabala sakaling magkaroon ng mga kilos-protesta na isasagawa ng mga militanteng grupo na hindi kuntento sa administrasyon.

Sa kabila ng libu-libong pulis na ipakakalat sa pagdarausan ng SONA ay hindi pa rin inaalis na may mga kilos protesta na isasagawa ang mga kontra sa pamumuno ni Pangulong Aquino.

Gayunman, inihayag ni Dr. Corazon C. Rubio, OIC-Schools Division Superintendent ng Quezon City, magkakaroon sila ng Satuday classes para punan ang isang araw na walang pasok.

Inaasahan din na magdedeklara ng suspensyon ng klase ang iba pang lugar na maaaring maapektuhan ng mga pagkilos ng iba’t ibang grupo kaugnay sa SONA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply