QCPD ‘advisers’ na ‘nuno’ ng kasamaan

MARAMI ang natuwa sa pagkakatalaga kamakailan ni C/Supt. George Regis bilang bagong director ng Quezon City Police District (QCPD).

Sa pagkakahirang ni Gen. Regis, tila, nagkaroon ng pag-asa ang lungsod na makabawi sa kapalpakan ng nakaraang mga hepe.

Kasi, nagsilbi ito ng matagal sa QCPD at kung galing sa paglaban sa krimen ang pag-uusapan, subok na subok ang heneral.

Sa  tagal na naging ‘beat’ ko ang Camp Gen. Tomas Karingal, nasubaybayan  ko ang kakaibang estilo ng kanyang pamamahala.

Si Gen. Regis na yata ang nakilala kong heneral na mabibilang ang binibigkas na salita, subalit hanep kung magtrabaho.

Kung i-describe nga siya noon ng mga tinatawag na ‘originals’ (matatandang pulis) ay ‘tahimik daw ito pero mapanganib’.

May pruweba si Gen. Regis, kaya marahil, marami ang natuwa, kasama na ang Chokepoint, sa kanyang appointment.

Pero ang bango ng kayang pangalan ay nagbabadyang masira dahil sa mga  ‘adviser’ kuno na nakaikot ngayon sa heneral.

Aba’y, sabi ng ilang opisyal ng QCPD, hindi babango, bagkus babaho ang imahe ni Gen. Regis sa mga adviser na ito.

Akalain mong, ang ‘advice’ kay Gen. Regis ay ‘i-centralize’ ang tong collection sa lahat ng iligal na nag-ooperate sa QC.

Nalintikan na. Imbes na ang ‘advice’ sa heneral ay sugpuin ang mga iligal, ang balak eh, payabungin ang vice operation.

Anong utak meron ang mga ‘adviser’ na ito? Naging ‘advisers’ pa kayo, ibubulid lang pala n’yo sa kasamaan si Gen. Regis.

o0o

WA-AKSIYON SI MAYOR BARCELON

Galit ang mga taga-Nasugbu, Batangas kay Mayor Tony Barcelon. Kasi, ‘di raw nito inaaksiyunan ang kanilang reklamo sa ‘lotengan’.

Salot daw kasi ang sugal na ito dahil lantaran ang pagpapataya ng mga kubrador ng isang nagngangalang “Willy’ at ‘Gatdula’.

Labis, anilang, nakaaapekto ang sugal na ito dahil sa dami ng nalululong na mananaya. Pambili na lang ng bigas, itinataya pa raw.

Speaking of ‘Gatdula’, ito pala ay financier din ng sakla at color games sa isang sabungan sa Brgy. Tamayo, Calaca.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply