Quadruplet, triplet ipinanganak sa iisang ospital sa Maynila

ISANG ina ang nanganak ng quadrulet at isa pa ang nabiyayaan triplet na pawang ipinanganak sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJSGH) sa Binondo, Maynila sa magkahiwalay na araw.

Ayon kay Dr. Teodoro Martin, direktor ng JJSGH, isinilang ang quadruplets noong Martes, alas-dos ng madaling araw.

Si Dr. Vanessa Domingo de Guzman ang nagpanganak sa dalawang lalaki at dalawang babaing anak ni Criselda Odella, 32, ng 1242 Tuazon Abad Santos, Tondo, Maynila.

Sa paglabas ng quadruplet ay biglang lumobo ang bilang ng mga anak nina Odella at asawang si Arnold Francisco sa anim.

Ipinanganak naman ni Christine Batalon, 24, ng 284 Angolo St., Binondo, Maynila, noong Hulyo 22 ang triplet na pawang mga babae dakong ala-singko ng hapon. Ang ama ng mga ito ay kinilalang si Morrison Batalon, isang istibidor sa pier.

Dumalaw sa mga bagong panganak si Manila Mayor Alfredo Lim kasama ang mga miyembro ng Rotary Club of Manila at Manila City Hall chief of staff  Ric de Guzman sa nasabing ospital.

Nagbigay ng pinansyal na tulong ang alkalde at si Banit Caasi Jr., presidente ng nabanggit na Rotary Club kay Odella na nagkakahalaga ng P10,000, habang P5,000 naman kay Batalon.

Si Lim ang nagpasinaya ng nasabing panglungsod ng ospital dalawang taon pa lamang ang nakararaan. Binuksan umano ang pagamutan para sa mga mahihirap na residente ng ikatlong distrito ng Maynila.

Maliban sa isa sa quadruplet na naipit ng kanyang mga kapatid, malulusog ang mga sanggol na ipinanganak nina Obella at Batalon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply