Rabusa dismayado sa pagkakatalaga kay Pangilinan sa BuCor

DISMAYADO si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Budget Officer George Rabusa sa pagkakatalaga kay retired Lieutenant General Gaudencio Pangilinan bilang bagong Bureau of Corrections (BuCor) director na kabilang sa kasong plunder dahil sa pagkakasangkot nito sa anomalya ng pondo ng AFP na isinampa niya laban dito.

Iginiit naman nito na prerogative ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kung sinuman ang gusto niyang italaga sa anumang posisyon kaya
wala siyang kwestyon dito.

Sinabi ni Rabusa na kilalang-kilala umano niya si Pangilinan dahil nagkasama sila noong tinyente pa lamang siya taong 1996.

Batay sa affidavit ni Rabusa, tinukoy niya ang pagiging bagman ni Pangilinan noong siya ang executive assistant ng yumaong dating AFP cheif of staff na si  Gen. Arturo Enrile.

Pero nanindigan si Rabusa na tumanggap si Pangilinan sa kanya ng pera noong ito pa ang executive assistant ni dating AFP Chief Arturo Enrile
noong 1994 hanggang 1995.

Giit ni Rabusa, ginawa na niya ang kanyang tungkulin at bahala na ang Malakanyang kung paniniwalaan siya o hindi.

Hindi rin naitago ni Rabusa ang kanyang hinanakit sa naging statement ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na mistulang abogado ni Pangilinan sa pagtatanggol dito.

Aniya ang kanya namang paglantad at pagbubulgar ay dahil naniniwala siya sa programa ng Pangulong Aquino na “matuwid na landas.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply