Racing aficionado pinasalamatan si Jockey RV Brady

UMARANGKADA sa mahigit P6M ang gross sales ng Winner Take All sa pista ng Sta. Ana sa Naic, Cavite kagabi.

Ito’y dahil sa nagkaroon ng carry over na P741,352.67 sa nasabing exotic bet.

Dagsaan ang mga karerista sa mga off-tracks betting stations maging sa mismong karerahan upang tsambahan ang WTA kung saan ang naging dibidendo pagkatapos ng karera ay umabot sa P165,020.20.

“Ang haba ng pinila ko talagang pinag-aralan ko ng mabuti kaya ito sinuwerte.” saad ng isa sa mga nanalo (ayaw pabanggit ng pangalan) sa nasabing WTA dividend.

Bukod sa carry over, nagpalaki rin ng dibidendo ng WTA ng manalo ang dehadong si Thunder Bird na sinakyan ni class D rider Richard “Long Shot Jockey” Brady.

“Nagpapasalamat ako sa mga hinete ng kabayong tinayaan ko dahil ginawa nila ang lahat para manalo lalo na si RV Brady na isa sa nagpalaki ng dibidendo ng WTA.” masayang saad ng nanalong karerista.

Papasok ng huling kurba bumuka pa ng husto ang bumanderang si Thunder Bird kaya naman nakuha ng liyamadong si Boogie Wonderland ang unahan sa last 100 meter race ng laban.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon si Brady kung kaya’t hinataw nito ng todo ang kanyang sakay upang mabawi ang unahan at tawirin ang meta ng may dalawang kabayo ang agwat kay Boogie Wonderland na nirendahan ni tow time reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the-year Jessie B. Guce.

“Masaya ako dahil nakapag panalo ulit tayo, lalong sumaya dahil may napasaya ako at nagpapasalamat din ako sa kanya dahil na appreciate niya ‘yung ginawa naming hirap ng kapwa ko hinete para maipanalo ang sakay namin.” pahayag ni Brady.

Nakapagtala ng 1:20.4 minuto si Thunder Bird sa distansyang 1,300 meter race.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply