Rakista, niromansa ng gulpi ng kinakasama

HINDI na muna makakasamang tumugtog ng isang dalagang rakista, matapos mamusarga ang mukha nang romansahin ng gulpi ng kanyang bangengeng kinakasama sa Caloocan City.

Kulay nasunog na halaya ang mukha ng biktima nang dumulog sa tanggapan ng Women and Children’s Concerns Desk (WCCD) na kinilalang si Rosalyn dela Cruz, 26, ng 126 Calleja St., Bagong Barrio, Caloocan City upang pormal na magsampa ng reklamo.

Sa selda naman nahimasmasan ang sumira sa mukha ng biktima na si Darryl Jayme, 25, live-in partner ni dela Cruz.

Nabatid na alas 10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-live-in.

Ayon kay dela Cruz, pasuray-suray na umuwi ang suspek ng gabing iyon, pero sa halip na halik at yakap ang isalubong sa kanya ay suntok ang kanyang inabot sa suspek.

Nabatid na kapag lasing ang suspek ay lagi nitong sinasaktan ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply